Bakit ko ‘to ginawa…

This is the excerpt for your very first post.

Advertisements

Sabi ng WordPress, “this is the excerpt of my first blog post”. Dito yun mismo sa section na ‘to. Yung space na ‘to, nakalaan talaga sa “very first blog post” ko, or ng ibang users. Na-pressure ako kasi “first”, so dapat maganda, dapat “catchy”, dapat mabigat at may laman. Isip ako ng isip ng pwedeng topic, hanggang sa wala talaga akong naisip in the end. HIndi din naman talaga ito yung “first” ko kasi yung pinaka-unang attempt ko gumawa ng ganito was way back August 2012, at sa ibang site ko sya ginawa. Pwede nyo sya i-check sa bottom part ng page na ‘to, click nyo lang yung menu in-between Instagram and Pinterest button.

Naalala ko din yung sinulat ko dati sa Facebook page ko. Kung naaalala ko sya ng tama, sinulat ko dun yung mga memories ko nung bata ako hanggang sa makapag-work ako. Sinabi ko din na “to be continued” yun, kaya lang hindi ko na natapos kasi nag-deactivate nako ng account ko. Sooner or later try ko din sya i-recover para lang makuha ko din yun and yung mga old photos ko. Yun lang naman so far ang mahalaga doon. Naisipan ko na ulitin ko na lang siguro, pero mas na-feel ko na “ay wag na lang kasi babalikan ko na naman ang past”. Wala din naman problema sa akin kung balikan ko at isulat ulit, nanghihinayang lang ako sa oras na nilaan ko nung sinulat ko yun, at the same time, ayoko na lang din masyado nag-fofocus sa past.

Gaya nga ng sinabi ko sa https://instamargs.wordpress.com/about/  , dream ko magkaron ng blog kasi mahilig ako magsulat ng kung anu-ano. Yun lang sa sobrang dami ng ideas at topic na naiisip ko, hindi ko ma-organize masyado dahil madami din akong tanong sa sarili ko na hindi ko pa masyado nasasagot – ano ba talaga ang gusto ko, or san ba talaga ako dapat mag-focus, or ano ba ang passion ko talaga? Kung na-visit nyo na yung homepage ko, mapapansin nyo na ang daming page. Yan kasi yung sa tingin ko chapters ng buhay ko, na somehow gusto ko i-share. Yan yung parang “starter kit” ko para sa website ko. Sooner or later, pwede pa din sya mabawasan or madagdagan. Everyday kasi ako may idea when it comes to how my page will look like, or ano ba yung mga importante, at ano ba yung worthy to share and write about. Kaya nga medyo matagal din ako mag-post ng bagong topic kasi gusto ko “almost close to perfection”. Pero as much as possible, iniiwasan ko din na ganon kasi gusto ko yung mga mababasa ng mga tao is natural, honest and walang halong edit or sugar-coating.

Aaminin ko nung sinimulan ko i-open itong page ko, in-love na in-love ako sa isang tao. This was NOT “the moment” of me falling in-love for a guy for the first time kasi I like him na since 2012. But at this very moment, I still feel the same level of ‘in-love’ towards him. Yung tipo ng pagka-inlove na kahit saan ako pumunta, lagi kong naririnig ang pangalan nya, at lahat ng tao, bagay at pangyayari na nakakasalamuha ko o nakikita o dumarating o nangyayari sa akin, lagi ko nako-connect sa kanya. Madalas ko ma-witness na pinagtatambal talaga kami ng “destiny” ba or ng universe. Hirap na hirap ako mag-isip noon ng pangalan ng page ko until I decided to use “Merci Beaucoup”. I cannot remember kung saan ko unang nakita itong words/phrase na ito, pero alam ko na there are such words nga but in a different language. Basta pumasok lang sya sa isip ko na “ay gusto ko itong phrase na ito lalo pa na ang meaning nya is “Thank you very much”. Meron pa akong isang paboritong phrase na hindi ko muna idi-disclose ngayon kasi gagamitin ko sya on something na pangarap ko din talaga. Hopefully I will be abe to share that to you guys very very soon. So, yun nga yung unang reason ko, and second is dahil yung first letters ng dalawang words are yung initial ng name ko at name ng taong gustung-gusto ko that time. Yung isang page ko dito titled “May Be”, nilaan ko talaga yun para sa kanya. Kasi para sa akin, kahit na nasaktan o nasasaktan ako ng sobra dahil sa kanya, gusto ko pa din i-keep yung mga memories ko about him. He was/is such a wonderful part of my journey talaga na hindi ko pa kayang i-give up or kalimutan. Kung dadating man ako sa time na ganun, I don’t think it will be anytime soon.

Kahit na part sya ng reasons kung bakit ko ito ginawa, it does not mean din naman na it was because of him 100%. Of course, dream ko din kasi talaga to have this. Hindi din naman talaga ako maya’t maya nagsusulat. Most of the time, matatapos ko ang isang topic either within a week, or 2-4 weeks (isang buwan na yun). Dumadating din madalas na tinatamad ako magsulat or ituloy o tapusin yung sinimulan ko kaya sya nagtatagal. Pero kapag sinipag naman, feeling ko makakatapos ako ng isang libro. Ganun din pag magbasa ako ng book, depende sa kasipagan ko at the moment (hehehe).

So, ito na lang muna. Yung mga ibang reason naman, naisulat ko na din sa ibang part ng site na ito, so hindi ko na lang din sya uulitin at baka magsawa naman kayo magbasa.

-xoxo-

#ThankYouPraiseGod

Merci Beaucoup!

 

2 thoughts on “Bakit ko ‘to ginawa…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s