​Dear Future Husband…

Wala akong idea Kung gaano katagal pa kita makikilala or Kung may chance paba ako na makilala kita. Was there any chance in my life na nakasalubong na kita or nakilala or nakasama? Sakali man na magkrus na ang landas natin, sana matanggap natin ang isa’t isa kahit ano pa man tayong dalawa. I pray na magfofocus tayo sa Kung ano yung present Habang magkasama tayo at hopefully hindi naten ida-drag ang past ng bawat isa. Excited ako na ma kilala ka, makasamang kumain, mag lakad kahit walang dahilan, yung tipong trip lang naten mag lakad.  Excited ako to go to places with you. Excited ako to pray with you. Excited ako to hold your hand everyday, to give you a hug, to kiss you. Excited ako to cook for you, mga recipe na alam ko na at kahit yung ita-try ko pa lang then ikaw yung magja-judge Kung Pwede na or pwede pa I-improve. Excited ako to watch movies with you. I hope the love that we will share is never-ending. Aware ako na the journey will not be perfect,  for sure madaming misunderstanding, or petty fights. But I hope that our love for each other will always win. I pray na we will be with each other in happy times and in not-so-good times. I pray na we will help each other to become a better version of ourselves. I pray na we will support each other and will have each other’s back no matter what. I pray that we will always trust each other and will be honest with each other at all times. Excited ako to talk to you every minute of the day, kahit yung mga nonsense na topic or mga current events. Excited ako to discover the world and life with you. Excited ako to go home knowing na you will be there waiting for me or vice versa. Excited ako maamoy ka Lalo na pag bagong ligo ka. Excited ako to laugh with you. Sana mas madami tayong tawa kesa inis, iyak, o galit. I hope we will listen to each other especially kapag isa saten hindi naging ok ang araw sa work or anything.  I hope na we will both be open-minded and understanding and caring. I hope we will always look forward to spend time with our families,  both side.  I pray na the love that we will share is the kind of love na hindi nagsasawa or napapagod. I hope na maging game tayo parehas sa trip ng bawat isa, minsan gusto ko mag exercise at sana lagi kita mahatak sa umaga para mag jogging o mag lakad. I hope na we will both try to attend mass every Sunday or every week.

Sorry Kung hindi agad ako maging ready to have a baby. I waited for you kasi for 3 decades and more, so for now gusto ko lang muna spend sayo lahat ng oras at energy ko. We will get there eventually, that is for sure. And when that happens, I hope na kasama kita sa mga check up ko, no not “I hope”, you SHOULD be with me if ever. Hehehe.
Sana makaya mo ang pag ka moody ko. May mga times na baka gustuhin ko ng tahimik at magisa. Sana either way, anjan ka lang. I hope we will always find time for each other kahit Gano pa man tayo ka-busy. Excited ako to marry you, kahit di ka pa man nagpo-propose. Excited ako to spend the rest of my life with you at sana ikaw din. I hope na hindi tayo magkaron ng mga times na mafifeel naten na we are taking each other for granted. Sana ang isa’t isa yung laging number one sa list naten ng gustong makasama pag may gusto tayong gawin or puntahan. Sana hindi naten kailanganing magtalo sa maliliit na bagay. I pray na hindi mo maparamdam saken na mag-isa ako, at sabihan mo din ako kung maparamdam ko yun sayo. Sana hindi natin maiparamdam sa isa’t isa na nababalewala naten ang isa’t isa. Sana hindi dumating yung any chance na kelangan ko magselos (dahil medyo selosa ako), or ma-feel na kelangan ko makipag-kompetensya. At sabihan mo din ako kung sakaling magawa ko yun sayo ng hindi ko sinasadya. Sana hindi lang tayo maging magkarelasyon, sana ituring mo din akong kaibigan o best friend mo, at ganun din naman ako sayo.
Sana hindi ako mapagod hintayin ka o ma-excite na makasama at makilala ka.
Mahal kita…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s