Agosto na, ano na?!?

Naisip ko lang bigla yung title na to. Akmang-akma kasi may naalala ako bigla. Dati kasi hintay na hintay ko ang August kasi may gusto akong makita at malaman. Somehow medyo nakikita ko na – hindi tumutugma pero mas mabuti na din siguro na ganun. Wala din palang isang salita. Parang ako.

Sabagay, at least masasabi ko din sa sarili ko na nakatulong ako in a way. Noon naisip ko, sana sila din matulungan nila ako, pero hayaan ko na lang din. Kung dun sila naging masaya, sino ba ako para humadlang sa happiness nila. Ang totoo, dala ko pa din ang bigat ng maling desisyon na ginawa ko more than a year ago. Sobrang bigat na kung tama lang ang gumanti in any way na maisip ko, gagawin ko talaga. Pero hindi na lang. Sayang din energy ko. Sayang din oras ko.

Pero the fact na nagsusulat ako about dito, it means I still care sa nangyari. Mahirap pala talaga to feel na you have been betrayed by the people whom you welcomed into your life. Sobrang bigat, sobrang sakit. Ni hindi ko nga maalala kung nakatanggap man lang ako ng “thank you” or sorry”. Or baka oo, natabunan na lang ng sobrang emosyon kaya diko naaalala.

Hindi ko pa rin kasi minsan naiintindihan kung ano bang naging kasalanan ko sa kanila in the first place? Dahil ba hindi ako nakikihalubilo sa kanila most of the time? Or dahil lagi akong tahimik? Or dahil hindi ako nakikitawa sa mga jokes nila na hindi naman talaga funny? Or dahil I have my own beliefs na iba sa beliefs nila? Or most of the time yung opinion ko contrary sa opinion nila? Why? Do they expect me to sugar-coat my thoughts just to make them happy and satisfied?

Kung pwede ko lang talaga pilasin ang part ng utak ko kung nasan yung memory ko about them, ginawa ko na noon pa. Kung pwede lang na hindi ko sila o sya makita, o marinig..

Forgive me for being selfish. Pero kung naging selfish ba ako, dadating ba sa ganito. Sana nga naging selfish na lang ako, hindi siguro ako mahihirapan ng ganito…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s