Always a tough battle…

Napanood ko yung “Camp Sawi”, and it was a nice movie. Isa sa OST nila yung “Malaya” by Moira Dela Torre. When I heard it, nagustuhan ko yung pagka-mellow ng music at sounds nya. Then, mas nagustuhan ko sya dahil sa lyrics nya:
******
Pasensya na, kung papatulugin na muna
Ang pusong napagod kakahintay
Kaya sa natitirang segundong kayakap ka
Maaari bang magkunwaring akin ka pa

Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit

Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi
Kung di pipilitin ang di pa para sa’kin
Baka sakaling maibalik

Malaya ka na, Malaya

Isusuko na ang sandata aatras na sa laban
Di dahil naduduwag kundi dahil mahal kita
Mahirap nang labanan mga espada ng orasan
Kung pipilitin pa, lalo lang masasaktan

Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit

Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi
Kung di pipilitin ang di pa para sa’kin
Baka sakaling maibalik

Malaya ka na, Malaya

 
******
Napaka-sad ng song pero napaka-strong at the same time. Sa lahat na ata ng mahirap gawin, pinakamahirap na yung mag-let go. Kung tutuusin, dapat yun ang pinakamadali diba. Kasi dapat mas pipiliin natin kung ano yung makakapagpagaan ng bigat na dinadala natin. Pero hindi eh. Total opposite yung nangyayari. We still choose things and situations kung saan nahihirapan tayo. Either way, there is only one reason why… Nothing else but love. Hold on because we love them; let go because we love them.
Ito yung favorite part ko:
“Isusuko na ang sandata aatras na sa laban
Di dahil naduduwag kundi dahil mahal kita…”
Ang sakit no? Ito siguro yung perfect description ng current status ng puso ko. It feels like my love for this person has arrived into its final destination. I don’t wanna give up kasi andito pa din yung pag-asang pwede kaming magkaroon ng love story. Ayoko pa ring bumitiw kasi nakatatak na sa isip ko yung pakonti-konting masasaya at extraordinary memories ko na kasama sya. Yung marinig ko syang tumawa, yung makasabay ko syang kumain or manood ng movie na hindi naman natatapos; yung time na para syang bata na nagpapakita ng natanggap nyang certificate sa game nya; yung kahit pano ihahatid nya ako o sasamahan nya ako maglakad o mag-abang ng taxi; hindi ko din naman masasabing walang effort. Kahit pano, I felt his love too. It could be love, it could be not. Kung ano man yun, kung bayad man sa utang yun o bayad-pabor o kung ano man, I value it as if it was his own way of loving me. May kanya-kanya naman tayong paraan pagdating sa love diba. Yun nga lang, yung sa aming dalawa, sobrang limited. Lagi ako naiiwang naka-hang. Pwede ko naman ibigay lahat, siguro talagang sa sobrang pagka-lahat, hindi din nya kaya i-handle. Or siguro kaya naman, ayaw lang talaga nya. Kahit ano pa ang dahilan nya, wala naman akong choice but to accept and understand.
Mahirap mag-let go kasi pakiramdam ko, madami na din kaming pinagsamahan. Mahirap na kalimutan lang lahat. Mahirap isipin na someday, may makikilala at makakasama pa syang iba. Mahirap isipin na time will come na hindi ko na sya makikita; na malalayo nako sa kanya. Lalo pa’t andami ko ng pinangarap gawin na sa isip ko sana kasama sya. Lagi kong hinihiling na sana sya yung kakampi ko sa lahat – sa buhay, sa trabaho, sa kahit ano; na sana lagi ko din syang nakakausap at nakakasama; na sana nakakatawanan ko din sya; na sana lagi ko sya pwede yakapin lalo na sa mga times na kelangan ko ng shoulder to cry on or back to lean on to. Mahirap mag-let go dahil sinabi ko na sa sarili ko na sya na yung huling guy na mamahalin ko. Mahirap mag-let go kasi half of myself (hindi nga lang half kung titingnan), pinili ko nang ibigay sa kanya. More than half of self, and whole of the heart. Wala na nga natira saken. Pero hindi ko naman yun isusumbat sa kanya. Kasi nga mahal ko sya.
This past few days, hindi ko na nakakaya i-handle yung selos ko. Pero dapat talaga hindi ganon. Pero, tao lang din naman ako, valid din naman kung makaramdam ako non. Hindi lang naman siguro ako ang nag-iisang taong nakaramdam ng selos kahit walang dahilan para magselos. Syempre, mahal ko eh. Naisip ko, hindi man lang ba nya naisip maging sensitive sa pwede ko ma-feel kapag makita ko na ganon sila.
Alam ko naman, na letting go is part of loving someone. Siguro nga tama sila na letting go is the greatest and ultimate form of love. At siguro, pag magawa ko yun, I can truly say na talaga na oo, mahal ko nga sya, walang duda. Akala ko kasi enough na yung thrice ko sya pinili over someone who I know loved me. Akala ko enough na to be available lang para sa kanya whenever he needs me. I do not have any piece of regret sa lahat ng mga nakaya kong gawin para sa kanya. Yung feeling ko, he deserves all the attention, all the effort, all the time, all the love… Eh ako? Do I deserve all the pain?
I think love does not only mean, loving someone with ways we commonly know. Sometimes, we have to do the opposite of everything. If we really love them, wag natin hayaan na masaktan nila tayo in any way or by any means. Wag natin hayaan na maging reason sila para mahirapan tayo. I am not saying na kelangan natin sila diktahan o turuan o sabihan kung anong dapat nilang gawin. For sure walang may gusto non. Wag natin hayaan na magkaron sila ng negative image sa atin. Kasi diba dapat sila yung inspiration natin, sila yung source natin ng positive vibes, ng happiness, ng fulfilment. Sa dami ng tampo ko sa kanya, mga tampo na hindi ko naman din nasabi sa kanya, (ano bang karapatan kong magtampo in the first place?), somehow, mas nangingibabaw naman yung pagiging grateful ko for everything that we’ve been through. The last time that we were together, I was having anxiety attack. And it was kind of memorable kasi it was difficult for me, and I was happy because I was with him during such tough time. Kahit medyo obvious naman na medyo nauto na naman nya ako that time, hindi ko na lang inisip na ganon. What mattered that day was I was able to spend that day with him. Hindi ko alam kung yun na ba yung last kasi since then, we never had another chance to be together. Thankful na din ako, kung last man yun, it was wonderful. Sabi nga sa song ni Adele,
 
“If this is my last night with you
Hold me like I’m more than just a friend
Give me a memory I can use
Take me by the hand while we do what lovers do
It matters how this ends
‘Cause what if I never love again?”

Mahirap gawin itong ‘the greatest form of love’ na ito. Feels like endless stabbing of my own heart. Kung pwede nga lang paggising ko bukas, ok na, pero hindi eh. Kinulang pa ba? Kinulang pa ba ang puso kong akala ko nabigay na lahat? If that was wrong, then why my heart keeps on telling otherwise? Why do I still have this feeling that ‘you are the one’? That I just need to keep on fighting and hold on? That I just need to sacrifice a little more?
Siguro yung mga tanong na yun, meant to be unanswered talaga. Kung masagot man, maaaring hindi ngayon. Siguro nga kelangan ko maging matapang ngayon. Let go of you kasi mahal kita. Walang ibang dahilan – mahal lang talaga kita, at kung san ka magiging masaya, hahayaan na kita…
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s