Love-struck By You

“Akin ka na lang,

Iingatan kita…” 15.10.2015

Words from deep within…

"You are my greatest sorrow.

You are my greatest weakness.

And yet you are also my greatest happiness.

My greatest excitement.

My greatest fear…to lose…to let go of…

You are my greatest love.

You are my home.

I am tired of wandering, so please, let me go home…to you."

“Ours is surreal, ours is not perfect. And that’s what makes it so special. Ours is a treasure I would want to keep forever. I hope I could have captured all those special moments I had with you. Moments that I would always look forward to. I love you, and I always will.” 26.11.2016

Mineral water. Tsinelas. Curly Tops. Pandesal. Pansit. Kape. Early morning walk. HKS.

An open letter to the man I have loved so dearly… (Ito ang Part two…at hindi na nya ito nabasa)
Magagalit ka ba kung isang araw magmessage ka o tumawag, tapos pillin ko na lang wag mag-reply o sagutin. (Sabagay, wala ka naman pakialam diba. HIndi mo naman din yun kawalan.) Pakiramdam ko kasi, malapit ko na ding sabihin sa sarili ko na, “tapos na; nakapili ka na kaya pipiliin ko naman maging masaya”. It doesn’t mean na hindi ako masaya sa mga panahong pinipili kita. Kelangan ko naman sigurong piliin maging masaya kahit wala ka na.

Feeling ko yung oras ko, isip ko, puso ko, pagmamahal ko, buhay ko, sarili ko, nabuhos ko na lahat sayo. Pero, aaminin ko, sa five years na yun, hindi ako naging ganun ka-faithful sayo. Syempre, nakipag-date din naman ako sa iba. Na-fall din sa iba. Lalo na kapag nasasaktan ako sayo. I tried diverting my attention and love sa ibang tao, paulit-ulit. Pero wala din, bumabalik din sayo.

Nakakainis ka.

Walang araw na hindi ko inisip o hiniling na sana makasama kita. Na sana after ng trabaho,  uuwi ako ng bahay tapos nandun ka. Sabay tayong mag di-dinner. (Except na lang pag evening shift ka).

Nasasaktan ako kapag nagagawa mong makipagbiruan sa ibang tao, pero sa akin, hindi. Pag sa akin, para akong others. Hindi mo man lang ako magawang batiin man lang. Ilang beses ko na feel ma-out of place. Pero kahit ganun, hindi ko na lang din inaabsorb masyado. Kung dibdibin ko pa yun, wala na talagang mangyayari saken. Kahit ganun, isang message mo lang, ok na naman ako. Nakakalimutan ko agad lahat ng times na nafeel ko na nabalewala mo ako. Balik na agad sa “mahal kita eh”.

Ilang beses ko din tinatanong na ano kaya at kelan kaya ang “ending” ng story na to? Ang mas matindi pang tanong: gugustuhin ko pa kayang matapos? Kahit paano, masaya na ako sa ganito; sa paminsan-minsang makasama ka, makita ka, makausap ka. Pero madalas, yung minsan natatalo pa din ng mas madaming araw ng pangungulila ko sayo. Sa five years, 95% ay blangko, walang laman, walang memories; 4% ay painful, mapait; at ang 1%… Yan lang ang mga masasayang memories na meron ako tungkol sayo, at yan lang ang pinanghahawakan ko sayo. Matindi ang kapit ko sa 1%…kahit imposible, kahit hindi pwede, kahit mahirap, kahit masakit.

Gusto kong ma-excite sa nalalapit na pagdating ng bagong chapter ng buhay mo. Pero gusto ko din maging selfish at sabihin na mas magiging masaya sana kung tayong dalawa yun. Kahit sa ganun man lang, maging makasarili ako.
Hindi ko nga alam kung kelan ko mismo mapo-post ang letter na ‘to. Parang wala syang katapusan. Dec 14 2017 na pero nagsusulat pa rin ako. Ipopost ko ba ito kapag nangyari na, o bago mangyari, o kapag nakapag-decide akong mag-let go?
Noong in-email ko sayo ang part 1, at nag-reply ka, mas na-confuse ako. Ano ba ang ibig sabihin nung sinabi mo? Does it mean na pwede pa ding maging tayong dalawa? Are you saying na maghintay pa ako? Mas ok sana kung yung reply mo, direct to the point. Although, yes it quite was, pero hindi mo naman sinabing tapusin ko na yung kahibangan ko sayo. Ang sinabi mo, nandito ka pa rin. Nandito saan? Sa buhay ko? Para sa akin? O para sa iba?
*to be continued
 
 
—————————————
An open letter to the man I have loved so dearly… (Part three)
 
Dec 19, 2017: “Yes baby”. Grabe, ang sarap sa pakiramdam na makatanggap ng ganitong response mula sayo. Ang sarap kiligin. Kung pwede ko lang sya i-frame. Ang sarap at ang saya. Pero sana din totoo. “Yes baby”. Kasamahan ng mga “Namimiss kita” at Akin kana lang. IIngatan kita”. (sigh… madaming madaming sighs…)
Meron akong treasure box (kung pwede ko nga bang tawaging treasure box yun). Doon ko nilagay lahat ng magagandang memories ko with or about you: yung tatlong pares ng tsinelas na yung dalawa nasira na kasi naging favorite ko isuot (syempre, galing sayo eh); yung isa ok pa naman. Ayoko na sya isuot kasi gusto ko na lang sya i-preserve; yung paper bag na gustung-gusto ko yung design (feeling ko kasi, ikaw at ako yun); yung dalawang rice bowl at dalawang pares ng kutsara at tinidor na binili ko nung minsang nag-dinner tayo sa bahay na hindi mo naman din nagamit kasi hindi ko naman nagawa yung major plan; at marami pa. Hnaggang doon na lang ba ang maaalala ko sayo? Hindi na ba pwedeng madagdagan? At meron pala akong drawing. Sana makita mo yun.
SIguro kailangan ngang i-reminisce ang memories. Baka maging daan para makalimot. At makamove-on.
December last year, tandang-tanda ko, umiiyak ako. Paskong-pasko. Hindi mo man lang kasi ako binati man lang ng Merry Christmas. Kung hindi pa ako ang nauna. Malungkot ang mga nakaraang pasko at bagong taon. Kasi hindi ko makita sa picture sa isip ko na nandun ka. Umuwi ka last year. Bago ka umuwi, nag-message ka. Isa sa sinabi mo wag ako masyado sumimangot. Paano bang hindi eh simula nung umalis ka hanggang sa makabalik ka, hindi mo man lang naisip na kamustahin man lang ako. (sigh… madaming madaming sighs…)
Binilhan kita ng gift noon. Na hindi ko na nagawang ibigay. Parang minsan, nakakapaisip din. Wala akong materyal na maisip na pwede mong kailanganin pa. You are more than able to give those to yourself din naman. Pagmamahal lang ang kaya ko. Pero hindi mo din naman kailangan.
101 days from today… or less. (sigh… madaming madaming sighs…)
*to be continued
 
————————————–
An open letter to the man I have loved so dearly… (Part four)
 
Literal na hindi ko alam at wala akong idea kung hanggang ilang part itong open letter na ito. Unlimited ang thoughts ko para sayo. Nakakainis.
MInsan gusto ko nang hilahin ang oras para April na agad. Gusto kong malaman kung ano kaya ang lagay ng mga bagay-bagay pagkatapos ng March. Anong lagay mo, anong lagay ko…
*to be continued
 
————————————–
An open letter to the man I have loved so dearly… (Huling part na ata ito…)
 
Dec. 25, 2017: Today is the end. Madaming iyak. Madaming-madaming iyak.
Dec. 27, 2017: Madaming iyak pa rin. Mabigat sa dibdib. At sa mata. At sa utak.
Advertisements